LETTER 2 FUTURE
Отосланные письма : 22262
Случайные письма
Самые популярные
Новейшие
Последние
от: kidlat
Написано : 27-11-2018
Будет отправлено : 08-03-2019
Hindi ko alam kung paano sisimulan,
Isang tulang ang laman ay pamamaalam.
Pamamaalam sa pag-ibig na nauna ng lumisan,
Pamamaalam sa mga pangakong kay hirap bitawan.

Magsisimula ako sa mga unang araw ng ating pagiibigan
Mga araw na akala mo'y tila wala ng hanggan.
Mga yakap na ka'y hirap pakawalan.
Mga pangakong tila mo'y mapapanindigan.
Panindigan? Sa wakas, ako'y napanindigan. Tumindig at nanindigan.

Ngunit lumipas ang araw, Nagpalit ang buwan.
Kasabay ng naiwan ang lahat ng minsang pinaniwalaan.
Walang tigil na hiyawan, Nanlamig na pagmamahalan.
Kabanatang handa nang wakasan.

Ano nga ba ang dahilan?
Mga pagkakamaling gustong punan.
Ako ba ang nagkulang?
O sa umpisa palang may nakaraan kanang gustong balikan?

Gusto kung lumaban, ayokong maging talunan.
Ngunit paano ko didiktahan, puso mong may iba ng laman.
Tangina naman! Di ka man lang nagalinlangan.
Di mo inisip mga bagay na aking pagdadaanan, mga luhang hindi ko kayang pigilan.

Mga ngiti mong hindi na ako ang dahilan, bakit ba hindi ko makalimutan?
Hindi ko na alam kung kailangan ko na ba talagang magpaalam.
Dahil kung aking babalikan ang nakaraan, tila ba'y lahat ay isang panaginip lamang, kuro-kurong binaon sa puso't isipan.

Tama na! Sige na! Panalo ka na!
Ipapaubaya na kita; Tutuldukan ko na ang ating istorya,
At sa huling talata gusto kung ipaalala,
Mga pagkukulang mo'y hindi ko pinuna.
Minahal kita ng higit pa sa iyong inaakala.

Salamat sa mga segundong ako'y iyong pinatawa,
Ngunit tatapusin ko ang tula sa isang luha.
Поделиться :
 
Назад
 
 
Дальше
 
Фраза дня
 
Создать обещание
 
Создать письмо